<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10122726?origin\x3dhttp://gorgeousaisha.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Tag

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

About the blogger

a stupid girl who loves someone who'll never love her back. poor Aisha.

Links
Archives
January 2005, February 2005, March 2005, May 2005, July 2005, October 2005, January 2006, March 2006,
Credits
Blogger, Blogskins, Dreamweaver MX, Photoshop,
Image : Webshots!
Layout : s0|itude

Sunday, March 13, 2005 . so near yet so far

marami akong kilala na currently dumadaan sa ganitong situation. so near yet so far. usong uso talaga ang mga martyr ngayon. may case-to-case basis pa nga itong 'reality' na ito eh. merong so near, as in physically ang lapit lapit nyo na, pati emotionally dahil pareho kayo ng nararamdaman para sa isa't isa, pero still so far dahil sa napaka-cliche na HINDI KASI PWEDE. or hindi PA pwede. pero at least there's always sparkling hope between the two hearts that are patiently waiting. yung isa pang case, so near, dahil parati mo siyang nakikita, or may moments na talagang magkausap kayo, and you feel so much love for him, pero he's so FAR kasi you definitely know that he doesn't have anything more to offer you but the friendship. nothing more than that.. as much as you try to reach him, lumalayo siya (literal ng FAR diba), or he may UNintentionally make you feel unwanted.. yep that's the word, UNWANTED.. itong case na to, wala nang hope.. walang point na maghintay, kasi wala namang hinihintay. pero as much as gustuhin mong tumigil maghintay at tumigil na mahalin siya, meron at meron siyang gagawin na makakapagpalambot sayo, kahit todo effort ka na sa pag-iwas, sa pagpipigil na i-appreciate ang mga so-beautiful-yet-so-simple-things na again, UNintentionally niyang ginagawa. as much as you try to look away, to find someone new, to try to look for just someone new, you end up looking for HIM in other people's personalities. nagugustuhan mo yung ibang tao, tas nare-realize mo na kaya mo pala sila gusto kasi "pareho sila ng smile", "ganun din siya tumingin", "pareho sila ng ugali". parati nalang may resemblance niya. in the end, hinahanap mo nanaman siya. eh paano ka nga naman makaka move-on diba kung everything you see and do reminds you of him? haha, obvious namang i'm experiencing this 2nd case of 'so near yet so far'.. ang nakakainis dito, nasasaktan ka kapag nababalitaan mong may kasama siyang iba, eh alam mo namang wala kang karapatan.. tas nagagalit ka sa kasama niya kahit alam mong kaibigan mo at alam mong hindi naman dapat magalit. sobrang nasasaktan ka, pero sa sarili mo lang. hindi pwedeng ilabas, kasi hindi lang talaga pwede.. cliche nanaman..
so i practically have no choice but continue on loving him by myself kasi dun at dun din ang punta ko eh.. parang cycle lang siya.. love unrequitedly.. get hurt.. try to get over him and turn away.. look for someone or something to get preoccupied with.. everyone and everything reminds you of him.. cry.. love him again. is there no better cycle?
self-pity is eating me. can't stop.

snoozed at3/13/2005 12:00:00 PM .
Saturday, March 05, 2005 . sabi nga ni eddie vedder, "i'm still alive"

kahapon, March 3, 2005, 7:45am sa gitna ng Manggahan Bridge (Floodway) at 95kph (estimate ko lang yun), nawalan ng brakes at namatay ang makina ng jeep na sinasakyan ko. mga 4 seconds before crash, sinabi nung driver samin na "wala na tayong preno". so siyempre todo kapit kami sa hawakan ng jeep. super bilis ng mga pangyayari, basta, bumangga kami sa pader ng sobrang lakas, as in SOBRA, tumilapon ako from sa inuupuan ko sa entrance ng jeep hanggang sa sahig sa medyo harap. ang damages sakin: nagkaron ako sa right middle finger ng deep cut, tas mga pasa sa arms and legs, napilay pa nga ang pwet ko (dun ko lang nadiscover na napipilay pala ang pwet!!!) hindi naman ako gaanong nasaktan although ako lang ata ang minalas na nainjure dun na pasahero e. but wait, hindi ako injured compared dun sa mama na nabangga namin sa pader. pagkababa ko ng jeep nakita ko siya. grabe, hindi nga nagdugo yung legs niya, pero alam kong durog na mga buto niya. lupaypay nga siya eh, nasa state of shock pa nga. tapos, meron din pala kaming nakabanggang kotse. TOTAL WRECK yung nangyari dun, miraculously hindi nasaktan yung driver nun. pero yung driver ng jeep, hindi makaalis dun sa jeep kasi naipit siya dun, sa sobrang lakas ng impact ng collision. nung makita ko nga yung tumutulo na gas nung kotse, napatakbo agad ako eh, kasi posibleng sumabog yun kapag may nagspark sa mga wires sa ilalim ng kotse o kaya pag may nagbato ng sigarilyo dun.

mga tumakbo sa isip ko habang nanginginig sa takot at umiiyak sa jeep na sinakyan ko pagkatapos ng accident:

1. muntik na ko mamatay.
  • kung nagpanic yung driver, baka nahulog pa kami sa tulay. tas malulunod ako sa maduming ilog na yun, tas lulutang with the flower lilies.
  • kung tulog ako sa jeep (which is araw araw nangyayari), baka tumilapon nako sa labas, masasagasaan pa ako. hindi na talaga ako nagising. (lalo na nung araw na yon, hindi ako natulog dahil sa projects at assignments)

2. hindi pa ako handang mamatay.

  • galit pa sakin mga magulang ko eh. di matatahimik kaluluwa ko nun, hindi pa ako nakakapag sorry at di ko pa nasasabi kung gano ko sila kamahal. kaya nga ngayon kakausapin ko na sila eh, or at least, kahit nanay ko lang muna.
  • sa tingin ko wala pa akong nagagawang difference sa mundo. gusto ko kahit maliit na difference lang, makaapekto ako sa ibang tao in a good way.
  • ayoko pang malayo sa inyong mga friends ko!Ü maraming taon pa tayong magsasama!Ü
  • ayokong mamatay ng ganun, yung sa aksidente. yung lasog lasog yung katawan ko o kaya yung bloated ako if ever nalunod ako sa ilog!takot ako sa feeling ng transition between life and death e.

Over reacting ba? sorryü

Grabe, todo pasasalamat ko kay Lord kahapon nung Holy Hour. Hindi Niya ako pinabayaan! May angel siguro siyang pinadala sa amin nung accident kaya wala fatalities. Thank You Lord!

motto ko ngayon: LIVE LIFE TO ITS FULLEST.ü looking forward to spend more years with all of you!!!Ü

MAHAL KO KAYONG LAHAT!!!Ü GOD BLESS US ALL!!!ÜÜÜ


snoozed at3/05/2005 01:09:00 AM .