bakit nga ba ganun. pag nakikita ko siya hindi ko naman magawang malungkot. masaya parin ako pag alam kong nasa anjan siya malapit sa akin. only in my solitude does everything sink in. tulad ngayon. pero talagang tuwing maririnig ko ang boses niya, makita ko yung shadow niya, ok na ko. i can already call my day A day. just a little of 'him' that enters my senses seem to secure me. ahh. i want him to know that. gusto ko malaman niya kasi gusto kong maging aware siya sa gravity ng nararamdaman ko, hindi dahil gusto kong ireturn niya sakin yung love ko. gusto ko lang talaga. well maybe there's this selfish feeling na i want him to regard me as someone important dahil lalong importante siya para sakin. gets? parang nakarelate ako dun sa isang post sa
www.postsecret.blogspot.com (check it out, maganda), sabi niya, 'i really love him, but i just can't say it'. hayyy. kahit parang napapagod nako sa mga nangyayari, hindi ako magpapadala. ayoko magpadala. bakit? kasi gusto ko tong nararamdaman ko. gusto ko na mahal ko siya, kahit ano pang consequence. kaya nga everytime nalang na makita ko siya talagang nakakalimutan ko na in love siya sa isang kaibigan ko. nakakalimutan ko na sa pagiisa ko at naiisip ko sila, sobrang nasasaktan ako. yun talaga yung effect niya sa akin. euphoria. mania pa nga. kakatakot ako noh? im getting psychotic. maybe ganito talaga ang feeling ng in-love.
pero just like any human, gusto ko rin naman na maramdaman na mabalik yung pakiramdam na binibigay ko kay.. sa kanya. pero sa mga circumstances ngayon eh mukhang imposible na sa kanya ko makuha yung hinahanap ko na Need. parang sa sinabi ni Father of Modern Psychology Carl Jung, ang goal ng tao ay makahanap ng WHOLENESS, at si Maslow naman sabi niya na goal din natin ang SELF ACTUALIZATION, i'll need someone to COMPLETE ME. kaya naman ngayong merong someone akong GUSTO [emphasis mine] na nagpaparamdam din sa akin, hindi ko na isasara yung opportunity.. sana lang gusto niya talaga ako at hindi ko lang namimisinterpret yung mga sinasabi niya.
naku antok nako. wala na akong sense.
snoozed at5/22/2005 12:28:00 AM .