kahapon, March 3, 2005, 7:45am sa gitna ng Manggahan Bridge (Floodway) at 95kph (estimate ko lang yun), nawalan ng brakes at namatay ang makina ng jeep na sinasakyan ko. mga 4 seconds before crash, sinabi nung driver samin na "wala na tayong preno". so siyempre todo kapit kami sa hawakan ng jeep. super bilis ng mga pangyayari, basta, bumangga kami sa pader ng sobrang lakas, as in SOBRA, tumilapon ako from sa inuupuan ko sa entrance ng jeep hanggang sa sahig sa medyo harap. ang damages sakin: nagkaron ako sa right middle finger ng deep cut, tas mga pasa sa arms and legs, napilay pa nga ang pwet ko (dun ko lang nadiscover na napipilay pala ang pwet!!!) hindi naman ako gaanong nasaktan although ako lang ata ang minalas na nainjure dun na pasahero e. but wait, hindi ako injured compared dun sa mama na nabangga namin sa pader. pagkababa ko ng jeep nakita ko siya. grabe, hindi nga nagdugo yung legs niya, pero alam kong durog na mga buto niya. lupaypay nga siya eh, nasa state of shock pa nga. tapos, meron din pala kaming nakabanggang kotse. TOTAL WRECK yung nangyari dun, miraculously hindi nasaktan yung driver nun. pero yung driver ng jeep, hindi makaalis dun sa jeep kasi naipit siya dun, sa sobrang lakas ng impact ng collision. nung makita ko nga yung tumutulo na gas nung kotse, napatakbo agad ako eh, kasi posibleng sumabog yun kapag may nagspark sa mga wires sa ilalim ng kotse o kaya pag may nagbato ng sigarilyo dun.
mga tumakbo sa isip ko habang nanginginig sa takot at umiiyak sa jeep na sinakyan ko pagkatapos ng accident:
1. muntik na ko mamatay.
- kung nagpanic yung driver, baka nahulog pa kami sa tulay. tas malulunod ako sa maduming ilog na yun, tas lulutang with the flower lilies.
- kung tulog ako sa jeep (which is araw araw nangyayari), baka tumilapon nako sa labas, masasagasaan pa ako. hindi na talaga ako nagising. (lalo na nung araw na yon, hindi ako natulog dahil sa projects at assignments)
2. hindi pa ako handang mamatay.
- galit pa sakin mga magulang ko eh. di matatahimik kaluluwa ko nun, hindi pa ako nakakapag sorry at di ko pa nasasabi kung gano ko sila kamahal. kaya nga ngayon kakausapin ko na sila eh, or at least, kahit nanay ko lang muna.
- sa tingin ko wala pa akong nagagawang difference sa mundo. gusto ko kahit maliit na difference lang, makaapekto ako sa ibang tao in a good way.
- ayoko pang malayo sa inyong mga friends ko!Ü maraming taon pa tayong magsasama!Ü
- ayokong mamatay ng ganun, yung sa aksidente. yung lasog lasog yung katawan ko o kaya yung bloated ako if ever nalunod ako sa ilog!takot ako sa feeling ng transition between life and death e.
Over reacting ba? sorryü
Grabe, todo pasasalamat ko kay Lord kahapon nung Holy Hour. Hindi Niya ako pinabayaan! May angel siguro siyang pinadala sa amin nung accident kaya wala fatalities. Thank You Lord!
motto ko ngayon: LIVE LIFE TO ITS FULLEST.ü looking forward to spend more years with all of you!!!Ü
MAHAL KO KAYONG LAHAT!!!Ü GOD BLESS US ALL!!!ÜÜÜ
snoozed at3/05/2005 01:09:00 AM .